Archive for January, 2008

Labyuhan A La Early 40’s

Thursday, January 24th, 2008


Pagbigyan niyo na itong mga labyuhan series ko dahil minsan lang naman.

Aminado ako early 40’s na ako. Pero eto lang ang masasabi ko, mas madali at simple ang magkipag-labyuhan pag matanda ka na.

Wala na yung tulad nung bata ka pa eh maloka-loka ka na at di tumawag yung isa? Take note ha, tawag, Kasi nung kabataan ko, telepono lang ang meron. Mahirap pa kasi me magulang at mga kapatid sa bahay.

So may pa-one-ring one-ring pa kayo sa isa’t isa para magparamdam na tumawag ka. At hihintayin nyo pang makatulog ang mga usyusero sa bahay para makapag-usap.

Ngayon, me internet na, may cellphone pa. Iyong-iyo, walang makikinig sa extension line.

At ngayon, quesehodang nagkatawagan kayo o hindi.

Siguro nga dahil matanda na ako. Wala nang oras for emotional insecurites o paranoia.

Pag matanda ka kasi, kung gusto mo, gusto. Kung ayaw, ayaw.

Wala nang patagalan pa na halos ilang dinner na nagastos mo bago kayo finally mauwi sa kama. Ay, sorry.

Isa pa pala yun sa kasarapan ng pagiging matanda. Di na issue ang kung dapat bang mahantong sa kama o hindi. Nyeh. Tanda ko na no.

Wala ka na ring panahon sa mga pa-clingy clingy. Nyay. Panggulo lang ‘yang mga yan.

Yung obligado kang magparamdam na “am home na.” Nyay. How teens! Haha.

Ngayon diretso lang, o kelan ka free? Sige textan tayo by that time.

Hindi yung oras oras eh dapat updated kayo sa isa’t isa. Anubeh.

Nasanay na kasi ako na walang nangingialam.

Pero di naman ako ipokrito. Masarap din paminsan-minsan na may nag-iisip kung ano kaya ang ginagawa ko? Haha. Paminsan-minsan ha, huwag naman pati kung ano kinain ko ng merienda, ng hapunan, kung anong oras ako uuwi ay kailangang magsabi.

‘Di ka na rin praning pag matanda ka na. Kung nandyan, eh di nandyan. Kung wala, eh di wala. ‘Di ka na nag-iisip “saan na kaya siya?” “Sino kaya mga kasama niya?” Pwede ba. Wala na iyan sa matatanda.

Wala na ring expectations. Lahat bahala na ang flow of things.

Mas simple. Mas okey.

‘Di ka na rin shattered kung may type ka tapos ayaw sa iyo. O, di ka na rin guilty pag type ka tapos ayaw mo. Ganun eh. May buhay ka nang sarili. “Kung Ayaw Mo, Huwag Mo,” ika nga ng pamagat ng pelikula ni Maricel Soriano at Jolina Magdangal.

Ang difference din pala pag matanda na, mas may pera na hahahah.

DI na kayo pa-Jollibee-Jollibee o pa-McDo-McDo.

Naghahanap kayo ng bagong cuisine. Haha. Tapos kung long weekend, hindi na pa-mall-mall at pa-sine-sine. Medyo may kalayuan na ang hanap niyo. Medyo kailangan ng sumakay ng eroplano imbes na bus o jeep o MRT.

Less affected pag matanda. Walang baggage.

Saka walang definitions. May “let it be” effect.

May “let it flow” as it is.

Yan ang early 40’s na labyuhan. Walang arte.

Frankly, wala ring heartbreak. Kasi live the moment. Kung nandyan, nandyan. Kung mawala, eh di wala. Pero siempre, mas masarap yung meron. Hindi naman ako plastik para sabihing mas ok na yung wala. Mas payapa.

Iba pa rin yung may nagpapakulay ng buhay. Korek???